Nag-inom na naman kami kagabi. Unexpected actually. Sabi ko sa sarili ko iiwasan ko na pero sadyang mahirap talaga. Di ko maikakaila na masarap uminom. Natutuwa ako pag may inuman. Honestly, I don't drink that much since i think 5 months ago? I don't really know the exact date. Occassionally lang talaga ako uminom.
Ang lakas ko uminom lately. Since nalilibre ako sa inuman. Sumasama na talaga ako. Kasi naman lagi nagyayaya mga orgmates ko. Di naman ako makatanggi. Wala talaga sa ugali kong tumanggi. Kaya nga kahit na minsan napipilitan lang ako. Pero sa inom di ako tanggi. Pero iniisip ko naman baka may opportunities na dumating pagginawa ko ang isang bagay. Ewan ko lang. May opportunities ba sa inuman? Meron naman siguro. Opportunities na lumaki ang tiyan ko...
Epekto sa pag-inom ng maraming alak:
1. Sakit ng ulo at tiyan, kati kung saan-saan.
2. Pamamantal sa buong katawan. Para sa hindi sanay mag-drink.
3. Sugat sa paa. Para sa tatanga-tanga sa daan pauwi.
4. Laki ng tiyan. para sa mga adik na talaga. As in MWF ang schedule.
5. Break-up with syota. ewan...
6. Cancer. Sa sobrang pag-inom as in parang tubig na sa kanya ang alak
7. Sakit sa bato. Pagpinigil ang ihi.
8. Bukol. isa walang katapusang katangahan.
9. Anak. Sa sobrang kalasingan di mo alam nakipagsex ka na pala sa isang prosti. malas mo frend...
10. Kulong. Napasobra ka ng inom di mo na alam pinaggagawa mo.. Naka-deads ka ng tao...
...pero best of all, makakahanap ka ng katoma araw-araw. Social opportunities. Friends na totoo. At kung anu-ano pa... basta as of now, maganda pa ang effect ng beer sa buhay ko....